Friday, October 26, 2007

Totoo ba...

... na naiinis ka lang sa mga tao na kagaya mo? As the saying goes, galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. Totoo ba yun?

Minsan feeling ko, oo. Minsan feeling ko, hindi.

Kasi naman, nakakainis talaga yung ibang tao. Kagaya yung girl na binanggit ko dun sa earlier post ko. Kaya pala ako naiinis sa kanya kasi may ginagawa siya dati na di ko talaga maintindihan kung bakit niya ginagawa. At alam ko na never ko yun gagawin sa buong buhay ko.

Tapos, alam niyo yung mga tumatawag sa phone tapos pag tinanong mo kung sino, ang sagot lang eh "friend po niya." Leche. Bawal ba ibigay ang pangalan??!?? Tapos ang kapal pa ng mukha maging demanding at kung anu-ano pa ang tinatanong - "Asan ba siya? Pumasok na ba siya talaga?" Dude, it's a fair world, kung marami kang gusto malaman, magbigay ka rin ng info tungkol sa sarili mo - ganun ba kahirap sabihin ang pangalan mo??! Ay, tinatarayan ko talaga yung mga ganun! Merong mga tumatawag na ganyan para sa kapatid ko sa bahay, ay, hindi ko binibigay hanggang di nagsasabi ng pangalan. Ewan ko ha, pero never ko pa yan ginawa sa buong buhay ko. At wala akong balak gawin ever. Kahit weird ang pangalan ko at ang dami kong naririnig na "Ano po ulit?" pag binanggit ko na yung pangalan ko, hindi ko talaga yun gawain. Kaya naiinis ako. Feeling ko kasi walang respeto yung mga ganun.

Arrrgh, kainis!!!

At naalala ko pa kanina yung driver ng FX na sinakyan ko, naka-sleeveless ba naman!!! Tapos yung sleeveless pa niya, yung butas, parang abot sa tiyan. Eh dun pa naman ako sa harap sumakay, katabi ko siya. Haay. May GoodMorning Towel pa siya at punas nang punas ng katawan (take note, katawan talaga ha, as in hindi lang yung leeg at ulo) niya dahil pawis na pawis. Aarrrgghhh, sana may law sa Pilipinas na nagbabawal sa mga lalaki na magsuot ng sleeveless, unless nasa bahay sila o di kaya nasa beach.

Eh siyempre yung example ko sa Manong Driver, di na applicable dun sa original na tanong ko kasi babae ako. Pero hmpfff, ayan. Basta.

1 comment:

Jela said...

Well, some would say that you don't like (or more appropriately, you HATE) the people you ENVY. Totoo ba?!

Hay naku kung reklamo lang sa mga tao tao ang pag-uusapan, andami ko ding ganyan! Minsan, nabubuwisit din ako sa sarili ko dahil pati yung mga ganon kinaiinisan ko na, if I'm a better person, I can just look the other way (like yung mga FX drivers and kasakay sa service). Eh kaso naiinis talaga ko, bakit ba? Hahaha...