I'm stressed! :)
Mahilig lang talaga ako sa smiley face kaya kahit stressed, may smiley face pa rin. Pero stressed talaga ako. But I guess things could be worse :)
Tapos eto ang status message ni Mars sa YM:
Life is too short to stress yourself with people who don't deserve to be a part of your life.
So keribels ang stress.
----
Feeling ko may split personality na ata ako, maya-maya stressed o di kaya malungkot, maya-maya masaya. Nakuuuuu :P
----
I miss my DKS cube :( Maliwanag kasi dun tapos pag stressed, tingin ka lang sa tabi-tabi tapos magyaya ka puntang Starbucks o di kaya maglakad-lakad. Dito, puwede siguro ako magyaya papunta sa pagawaan ng Surf. Ano naman kaya masinghot ko dun. Huhuhu ang lungkot :(
----
I wonder if it's only boys who experience wedding jitters. Yung bang tingin-tingin pa sa iba habang palapit nang palapit na ang kasal... Nakuuuuu.
(Pero di si Jai ang tinutukoy ko ha... Although sabihan niya raw ako pag nangyari din sa kanya ito... Grrr. Boys talaga.)
Tuesday, October 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment