Mga maliliit na rants ko today:
- Yung ate dito sa office :(
Umutang kasi siya ng P400 dating-dati pa. At parang wala na siyang balak bayaran ever. Ok lang naman since mas kailangan niya yun (although kailangan ko rin naman ng pera diba....) kaso kakainis yung wala man lang effort na lapitan ako at mag-sorry na hindi pa niya nababayaran. Dinadaan-daanan lang ako, hmpf. Ako pa nahihiya pag nagkakasalubong kami kasi di ko alam kung tatarayan ko ba or hindi. Ayaw ko pa naman naniningil ng utang :( Grrrr.
- May nag-message sa'kin sa Friendster na college-mate (di kami close ha, as in magka-batch lang at classmates sa ibang subjects). Ang message niya: "Diba Dong ang pangalan ng bf mo? Bakit Jai na yung ngayon sa pictures? Bago na ba yan?"
@$@%#*%@*)%*$^@WTE*$)*@!!
Hello!! Hindi ako naiinis dahil sobrang huli na sya sa balita - nakakainis dahil di naman kami close at para pa syang The Buzz kung mang-intriga. Daig pa ang mga totoong kaibigan ko. Hindi ko naman siya tinatanong kung bago na rin ba yung bf niya, ano ba kasing pakealam ko dun.
Hay, some people. Bad vibes, tsk tsk. Kain muna ako para happy tummy. Sana may guinataan or champorado sa canteen... :)
Tuesday, October 07, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
echusera naman yan college-mate mo! kainis! ang sarap barahin!
Post a Comment