Friday, February 15, 2008

pampalipas-oras

Sana puwedeng masaya na lang parati. Haaay lousy day.

-----

Bumisita sa office yung family ni Ven (boss ko) nung isang araw, lunchtime. Let me describe Ven.. Mukhang totoy pero may itsura. 30 years old pero 4 na ang kids :) At sunud-sunod ang mga edad :) His wife is a commercial model, mga tipong nag-v-vtr tryouts for commercials (her last project was Lactum). She most definitely doesn't look like a mom to 4 kids!! Feeling ko nga, baka may nakikipag-flirt pa sa kanya na college kids pag lumalabas siya :) Pero nalilihis na ako... :)

Si Ven.. Very visionary. He always wants to improve things, institute changes, mga tipong ganun. Very fluent magsalita. Business kung business pero mahilig din makipag-biruan. Hindi niya ata alam ang purpose ng powerpoint (na dapat bullet points lang) kasi puro full sentences ang nilalagay. Hmpf. Very picky sa form ng sentence - kung passive or active - binabago niya talaga to his liking! As in nauupo siya sa harap ng laptop namin para siya na lang ang mag-type. Eh mahilig pa naman ako mag-type, grrr. Workaholic!! Easily loses track of time. Minsan ang meeting namin extended ng 3hrs. At hindi yun exception, yun ang norm. So minsan gusto ko na talaga siya sapatusin dahil nag-allot lang ako ng 2hrs para sa meeting pero umaabot ng 5hrs. Asar. Hindi pa nakakaramdam ng gutom pag nag-m-meeting, helow, yung mga alaga ko sa tiyan, mabilis magreklamo! Kaya nakakaasar talaga. Interesado sa mga personal lives namin kaya kilala na niya si Jai kahit di pa sila nag-m-meet. Siya ang nagsabi sa'kin na based daw sa period na tumira siya sa Mindanao, lahat daw ng Tausug, may itsura. Eh Tausug si Jai.. Soooooo.. Jai therefore concluded, may itsura daw siya. Hahaha. At si Ven din ang parating nag-p-pose ng hypothetical question: what if nga, Eleanor, magkaron si Jai ng 2nd wife o 3rd o 4th.. Dumidilim talaga paningin ko, gusto ko siya sapatusin ulit. Maghahalo ang balat sa tinalupan, sinasabi ko na ngayon pa lang. Hahaha. Back to Ven.. Very generous with praise pero pukpukan din kung may hinihingi siya. Kasi makulit siya until ma-deliver mo ang hinihingi niya.

Anyway... I felt it was necessary to describe Ven before I went to the heart of my post. Di ko siya maintindihan minsan. He goes home 9pm, 10pm, minsan aabutin pa kami ng 12am. At pag umuwi siya, work pa rin ang inaatupag sa bahay. Di raw siya makatulog minsan kakaisip ng gagawin namin the next day, waaah! Nakakapag-quality time pa kaya siya with his kids and his wife? Kuwento niya nga, minsan daw naiilang sa kanya yung mga anak niya :( Ayaw ko ng ganun. Kaya, Jainal Jainal, in mga 5yrs time, pag 8pm na, umuwi ka na. Di na puwede yang 2-11pm shift. Hmpf. Takot ako mag-isa sa bahay so di talaga puwede late umuwi. Hmpf. Pero seryoso, ang lungkot nun pag di na niya namalayan, uy, malaki na pala mga anak ko. Pero di ko rin masisi minsan kasi housewife yung wife niya (kung wala siyang commercials), so basically, they're operating on a one-man budget... Ang hirap ata nun kahit pa feeling ko eh limpak-limpak ang salapi na nakukuha ni Ven sa Uni. Pero ewan, kung lalaki ako at ganun kaganda asawa ko, di ko ata matitiis na umuwi ng late parati.. Tsaka cute nung mga kids niya at well-behaved, sayang kung ma-pass up ang opportunity na makita niya sila na lumalaki :( Pero ang saya nung bumisita sila kasi 1 big happy family sa office :) Soooo... bibisita rin ako sa office ni Jai pag marami na kids. Para cute kami tingnan. Hahahaha ang babaw :)

-----

I cannot believe talo ang Purefoods. Ng Sta.Lucia. As in omygulay, naglalaro pa pala si Dennis Espino at si Marlou Aquino?? Hahaha :) At in fairness, may fans naman sila. Hehehe :) Sayang, andun pa naman si Kris at Sunshine Cruz, cheering on Papa James. Bawi na lang sa Game 2 :)

-----

Walang kwentang post. Haaaay. Just felt like I needed to take my mind off some things.

No comments: