Thursday, February 28, 2008

i need to rant

Wala, I just really need to rant.

San ka ba naman nakakita ng boss na 3mos na ako dito pero last week lang ako pinakilala sa mga tao na makaka-work ko???? Tapos ang dami-dami hinihingi na kesyo kunin ko raw sa mga tao, eh duh, pano naman nila ako susundin kung hindi nila ako kilala??

Fine, you're brilliant sa mga bagay-bagay na naiisip mo gawin, pero zero time management and people skills. San ba merong meeting na scheduled from 2-5 (3hrs na yun ah) tapos mag-e-extend pa ng hanggang 7pm. Or from 1-7 ang schedule tapos aabot ng 11pm. At parati yun, hindi siya exception to the rule. Masyado kang concentrated sa own goals mo, tapos pasing-tabi na lang yung mga goals namin na sarili (na ikaw din naman nag-set). So hindi na lang kami matutulog para matapos lahat yun? Hindi naman ako allergic sa OT, pero mag-meeting for 10hrs??? At wala pa akong laptop so wala akong magawang work.

At papa-attendin niya ako ng meeting para ma-build ang credibility ko pero sa dulo ng meeting, susulpot siya at siya ang sasagot sa mga tanong. Pano ba naman yun?!?

Ewan ewan ewan.

No comments: