Proofs that you enjoyed your childhood..
- Nagba-byebye sa eroplanong dumadaan.
- Naglaro ng Chinese Garter with the Golden Rule "Dead Mother, Dead Lahat."
- Naglaro ng langit-lupa, pog, tex, bangkang papel, dampa...
- Kabisado ang kantang Batibot.
- Nakipag-bahay-bahayan.
- Ayaw matulog nang tanghali.
- Nakipagsuntukan o sabunutan sa kaaway, tapos tatayo nang matapang at aawitin ang kantang.... "Nyenyenyenye, hindi naman masakit!"
Tawa ako nang tawa. Bigla ko tuloy na-miss yung mga araw na yun.
At di ko maintindihan kung bakit wala na masyadong naglalaro sa kalsada ngayon. Lahat na lang nakakulong sa bahay, busy sa TV o di kaya sa computer. Naiintindihan ko kung bakit sila nag-e-enjoy dun pero kung puwede lang sa kanila sabihin na yung mga yun, puwede mo pa rin gawin kahit matanda ka na. Yung maging batang kalye, minsan lang sa buhay dadaan. Kung puwede nga maging batang kalye ulit =)

No comments:
Post a Comment